SEARCH

PROFESSIONAL HATER

ABOUT
Matagal na ako dito sa Earth, mga 18 years na siguro ang nakalipas simula nung una kong paghinga dito sa ilalim ng ozone layer. Ako nga pala si Jireh Cuarto. Random Fact: Jireh means The Provider. Isa akong college student na nangagarap maging presidente ng Pilipinas balang araw. Sa mga hindi pa nakaka-alam, magkasabay kami ng kumpare kong si Bill Gates mag-cecelebrate ng aming mga kaarawan sa October 28. Pero di ka po invited -__-. I'm taking up BS Information Technology sa Liceo de Cagayan University, since di ako natanggap sa Hogwarts, dahil baka daw malamangan ko pa si Harry Potter, isang rookie na wizard na may tahi sa noo. HAHA. Masaya maging IT student kasi di ka papagalitan ng parents mo kahit na magdamag kang nakababad sa computer, marami ka kasing magagawang alibis na kahit mismo ang mga abogado ma spespeechless. Talent ? Unang-una sa lahat nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal sa pagbibigay sa'kin ng mga talentong di ko inexpect na mabibiyaya sa'kin. As of now, ang alam ko lang talent ay yung pag-abot ng siko ko gamit yung dila ko, try mo, I dare you, hirap kaya nun! Sabihin na rin nating marunong din akong mag-piano, one year ko kasing pinag-aralan yun, pero hanggang ngayon amateur pa rin ang dating ko. T_T. Naging member din ako ng Glee Club for 3 years, tenor ako, i stopped kasi ayaw ko yung Musical Director namin, ang layo-layo lang sa attitude ni Will Schuster. So ayun, umalis ako. Hanggang dito lang muna, di pa kasi tapos yung buhay ko. Hayaan mo kapag namatay na ako, susulatan kita ng biography ko, alam kong gusto mo yun. xD. Enjoy reading my blog nga pala, marami kang matututunan sa mga posts ko, pwede ka ring mag-enroll sa blog ko para maging official student ka na ditoh, oh diba? Mas marami ka kasing matututunan dito rather than dun sa school nyo, mahal pa tuition dun, eh ditoh, kuryente lang at internet babayaran mo, san ka pa? o_O?

Proudly Pinoy!

free counters

Humor - Top Blogs Philippines

ASK ME ANYTHING

LINKS

  1. dramaqueenslashbitch reblogged this from gossipboyjc
  2. gossipboyjc posted this