SEARCH

PROFESSIONAL HATER

ABOUT

Ako nga pala si Jireh, 19 years ng humihinga sa ilalim ng ozone layer. Hindi ako masyadong friendly, kaya umayos ka. Charaught jk lang. hahaha. Basta, magbasa ka nalang ng blog ko, marami kang makukuhang aral dito, wala pang tuition fee. Tapos, sa'ka nalang yung buong bio ko kapag ako'y patay na. Hahaha. kbye.


Proudly Pinoy!

Free counters!

Humor - Top Blogs Philippines

ASK ME ANYTHING

LINKS

Filipino Comedians 

Sa industriya ng telebisyon kailangan natin ng sorbetes. Seriously -__- . Yung tipong magpapatamis at magpapasaya sa atin habang tayoy nanunuod. Karamihan sa mga sikat na comedians sa Pinas ay nagsimula lamang sa pagiging extra sa mga major movies, mahirap kasi sa kanila ang makabingwet kaagad ng malalaking roles or starring role. Kailangan pa nilang magtiis at magsikap, at the same time mas hasain ang galing nila sa pag-papatawa ng tao. Napakataas lang ng respeto ko para sa mga comedians kasi hindi madali yung trabaho nila, hindi kasi madaling patawanin yung mga tao, pero kahit ganun pa man, sa likod ng kanilang mga personal na mga problema kailangan pa rin nilang mapanatiling magmukhang masaya alang-alang sa mga audience nila.

May apat akong hinahangaang mga komedyante sa Pilipinas:

Eugene Domingo 
Siya yung pinaka versatile na komedyante sa lahat! Kahit saan mo pa siya ipasok o ilagay madali siyang nakaka-adjust at nakakasabay. Nagsimula siya bilang sidekick sa mga pelikula ng Queen of Comedy na si Ms. Ai-ai Delas-Alas, hanggang sa napukaw niya at naantig niya ang mga manunood at ngayoy tila’y nalalamangan na niya si Ai-ai. Yung facial expression nya ang isa sa mga nagpapatawa sa’kin, para lang kasing clay yung mukha nyang nabibinat ng kung saan-saan. xD

Ruffa Mae Quinto
Siya yung nagpatunay na di mo kailangan maging pangit at magmukhang bakulaw para maging isang komedyante, siya lang naman kasi ang pinaka-seksi at walang kupas na komedyante dito sa Pilipinas. Ang first starring role nya ay bilang isang bobong babaeng (BOBA) nakatira sa isla kasama ang lola niya, it was one of the funniest movies i have ever seen. Si Ruffa lang din naman ang nagpasikat sa mga expressions like,”NAG-LEVEL UP”, “TO THE HIGHEST LEVEL” and “I KNEW IT, YEAH”, na pilit ginagaya ng ibang mga komedyante. Sa ngayon, siya ay isa sa mga casts ng comedy sitcom BUBBLE GANG.

Tuesday Vargas
Ang pinakamatalinong komedyante sa Pilipinas. Graduate siya ng UP with colors, so, what can i say. Hangang-hanga lang talaga ako dito kay Tuesday, kasi naman alam niyang tyumempo kung kailan saktong babanat sa pagpapatawa at pagbitaw ng mga punchlines. Kagaya kay Eugene Domingo, versatile comedian din tong si Tuesday. Alam kong mas malayo pa ang mararating ni Tuesday sa industriya kung bibigyan lang siya ng mga projects at starring roles sa mga pelikula. 

 

Vice Ganda
Simula nung sumikat tong kabayong toh wala na akong matinong nakakausap. T_T. HAHA. Yun lang. I guess siya yung pinaka-OSAM na komedyante ngayon. Not mentioning, palaging nag-tretrend worldwide sa twitter yung show niya every Sunday. So, alam nyo naman siguro kung sino siya, he’s a supermodel turned actress turned horse.  xD

In the end, i conclude that in this lonely world, kailangan natin ng mga komedyantes kagaya nila. :)

  1. gossipboyjc reblogged this from gossipboyjc
  2. yuletideee reblogged this from gossipboyjc
  3. babyjaja reblogged this from gossipboyjc
  4. icorloves-onedirection reblogged this from gossipboyjc
  5. kolokoyxpress reblogged this from gossipboyjc